You are here:
Search

The Official Website of the Philippine Consulate General in Macau SAR

Guidelines on Affidavit of Support PDF Print E-mail
Written by Administrator   
Friday, 05 February 2010

  Para po sa kaalaman ng lahat:

 

·         The “Affidavit of Support” is a document applied for by someone who vouches/assumes responsibility for a visitor.

 

Ang “Sinumpaang Pahayag sa Pagtulong o Apidabit” ay dokumento o kasulatan na  inaaplayan  bilang pag-ako ng pananagutan at  pagtulong ng tao sa inanyayahan o bisita.

 

   1. The Affidavit of Support is a requirement of the Bureau of Immigration.  The Philippine Consulate General in Macau notarizes this document.

 

Ang  Apidabit ay atas ng Bureau of Immigration.  Ito ay ninunutaryo o  pinatotohanan ng  Konsulado Panlahat ng Pilipinas sa Macau.

 

  2.    The fee of MOP 220 per Affidavit of Support is a standard fee in all Philippine Consulates and Embassies.  The fee is determined by the Department of Finance.

 

Ang bayad na  MOP220 bawat Apidabit ay pamantayang bayad ng lahat ng mga  Konsulado at Embahada. Ang pamantayang bayad na ito ay pinagpasyahan ng Kagawaran  ng Pananalapi.

 

 3.     Several names can be placed in one Affidavit of Support.  However, you should take into consideration your relationship and ability to support the persons you are inviting.

 

Sa isang Apidabit ay maaaring maglagay ng isa o higit pang pangalan.  Gayunman,  dapat  isaalang-alang ang iyong  kaugnayan at kakayanan sa pagtulong sa taong iyong inaanyayahan.

 

  4.     You are issued an official receipt for every Affidavit of Support.

 

Sa bawat Apidabit na binabayaran ay may kaukulang opisiyal na resibo.

 

  5.     When you get an Affidavit of Support you are personally undertaking responsibility for your invited guests.  Please do not execute an Affidavit of Support for other people you don’t know because you could be held liable for their actions.  For example, you may be making an Affidavit of Support for a stranger who gets arrested for carrying drugs.  If this person is caught, you can be held liable.

 

Kapag kumuha ka ng Apidabit, ikaw mismo  ang nangangako na pananagutan  at tutulungan mo ang iyong bisita o panauhin.  Mangyari lamang na huwag gumawa ng Apidabit para sa ibang tao na hindi mo kakilala dahil maaaring ikaw ang managot sa kanyang mga gawain.  Halimbawa,  kung ang taong iyong tinulungan sa Apidabit na ginawa mo ay nahulihan na may dalang ipinagbabawal na gamot, “drugs”, ikaw ang mananagot.

 

Last Updated ( Friday, 05 February 2010 )
 
< Prev

Latest News/Articles